Prologue
Sa Ricky sampler ng mga kuwento sa librong ito, matatagpuan ang anim sa pinakakilala sa kanyang mga kuwento at kung bakit natatangi siya bilang kuwentista sa panitikang Filipino. Ang modernistang stilo ng kuwento ang naisagawa ni Ricky sa simula ng kanyang pagkukuwento noong maagang 1970s at napaunlad niya hanggang sa pinakahuli sa mga kuwentong nasa koleksyong ito, “Kabilang sa mga Nawawala.”Ang storytelling ni Ricky ay hindi linear, at mas sinusundan ang sinematikong modelo ng pagkukuwento at paglalahad ng kaganapan na tila mga eksena sa pelikula. Gumagalaw ang mga eksena sa mga kaganapan sa kuwento na parang mata ng kamera, kumikilos, nagzu-zoom in o out, naka-frame na close up o long shot, at maging quick o long take ang eksena sa pamumukadkad ng mga detalye at pagkilos sa mga eksena.Historikal ang mga kuwento niya, lubog sa pwersa ng kasaysayan ang mga tauhang pangkaraniwang dumaranas ng pinakamahapding latay sa hagupit nito, at may materialidad ang pagdanas ng mga tauhan na nakaangkla sa aktwal na pagdanas ng kaapihan at kawalan-magawa o paglaban ng mayoryang mamamayan.—Mula sa introduksyon ni Rolando B. Tolentino,“Ang Pag-akda ng Katha, Pagkatha ng Akda ni Ricky Lee”
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Suspendisse varius enim in eros elementum tristique. Duis cursus, mi quis viverra ornare, eros dolor interdum nulla, ut commodo diam libero vitae erat. Aenean faucibus nibh et justo cursus id rutrum lorem imperdiet. Nunc ut sem vitae risus tristique posuere.
Vivamus suscipit tortor eget felis porttitor volutpat. Curabitur arcu erat, accumsan id imperdiet et, porttitor at sem. Vestibulum ac diam sit amet quam vehicula elementum sed sit amet dui. Donec rutrum congue leo eget malesuada.
Pellentesque in ipsum id orci porta dapibus. Sed porttitor lectus nibh. Nulla quis lorem ut libero malesuada feugiat. Mauris blandit aliquet elit, eget tincidunt nibh pulvinar a. Donec rutrum congue leo eget malesuada.
Read the Full Book
Register for a free membership to continue reading Servando Magdamag at iba pang maiikling kuwento and gain unlimited access to our entire library.
Continue Reading
Secure & Ad-Free Experience